
Mula sa akdang Si Pele, Ang Diyosa ng apoy at bulkan, kung saan naintindihan namin na walang magandang naidudulot and pag kainggit sa iyong kapwa. Na maaaring magdala ito sa iyo sa kapahamakan kung hindi natin pag iisipang mabuti ang ating mga gagawing desisyon.
Sumunod dito ay ang tungkol sa Mitolohiya naging malinaw para sa amin na ang mga katulad ng ganitong akdang ay totoong malayo sa katotohanan, Sapagkat ang mga tauhan at ang nangyayari dito ay hindi kailanman mangyayari sa realidad.
Noong mga unang markahan pa lang natalakay namin ang iba't ibang Pokus ng pandiwa, At ito'y muling naulit. Ang Layon o Gol at Ang pokus na tagaganap. Sa muling pag talakay dito ay mas lalo naming naintindihan ang gamit ng mga ito sa iba't ibang sitwasyon.
Sa akdang Macbeth ang mahalagang pangyayari dito ay ang paghahangad ng labis ng upang makuha lahat ng nais sa buhay hindi naidaan sa maayos na proseso. Ang aral na napulot namin dito ay ang tamang pagsisikap sa lahat ng mga gustong makamit sa buhay. Hindi kailanman naging maganda ang pag kamit sa hinahangad kung ito naman ay nakuha sa maling paraan.
Mga Uri ng Dulang Pangtanghalan ayon sa anyo at mga elemento
Nagkaroon kami ng malay sa pag gawa ng mga kwento na naaayon sa mga ginagamit na elemento at anyo nito.
Ang matatalinhagang salita na naglalaman ng mga Idyoma at Tayutay
Kung gagamit tayo ng mga matatalinhagang salita, ay mas magiging maganda ang kalalabasan ng bawat linya ng gagawin nating salaysay o kwento. Mas magiging maayos ngunit mananatiling ordinaryo ang pagkakagawa nito.
Ang tulang Ang aking Aba at Hamak na Tahanan
Ang nagturo sa amin na hindi lahat ay naaayos sa pamamagitan ng digmaan kundi mas lalo pa itong nakakasira ng lahat ng bagay na mayroon tayo, katulad ng relasyon natin sa iba.
Ang maikling kwento ng Ang kwento ng Isang Oras kung saan lahat ng naganap dito ay nangyari, na ang mahahalagang kaganapan dito ay umikot sa isang babaeng naghahangad ng kalayaan mula sa kaniyang malupit na asawa. Na pagkaramdam ng pagkasakal sa piling nito. Natutunan namin dito na hindi kailangan maging mahigpit sa kasintahan para maipakita ang pagmamahal mo rito. Mas maiging magpakita ng respeto sa bawat isa para sa ikaaayos ng lahat.
Kahit hindi ako gaanong mahilig sa pag babasa ng kwento, mas maigi na rin ang pag aralan kung paano ito ginagawa. Ang Pagsulat ng Maikling kwento. Upang kung tayo'y masubukan sa pag susulat ay kaya nating gawing interesante ang bawat ating gagawin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento